Isang matagumpay na buy-bust operation ang isinagawa ng Dagupan City Police Station sa pangunguna ni Plt. col. Lawrence Keith Calub, kung saan isang menor de edad na kinikilalang high-value target sa iligal na droga ang naaresto.

Ayon kay Pltcol. Calub, matagal nang minamanmanan ng kanilang mga operatiba ang suspek, kung saan ito ay isang Grade 9 student, na sangkot umano sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Sa isinagawang operasyon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga awtoridad na makipagtransaksyon sa suspek, na nauwi sa kanyang pagkakaaresto.

--Ads--

Nasamsam mula sa menor de edad ang tinatayang P700,000 halaga ng iligal na droga, na itinuturing na malaking tagumpay sa patuloy na kampanya ng PNP kontra sa droga.

Kinilala rin ang menor de edad bilang isang Child in Conflict with the Law (CICL) at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga kinauukulang ahensya habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Hinimok ni Pltcol. Calub ang mga mamamayan ng Dagupan na makiisa sa laban kontra droga.

Patuloy naman ang mga aktibidad at kampanya ng Dagupan PNP upang mapuksa ang iligal na droga sa lungsod.