Tinawag ng constitutional lawyer na si Atty. Joseph Emmanuel Cera na makatuwiran ang hakbang ng Kamara na i-archive muna ang kaso hinggil sa Impeachment Complaint kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Cera, nais lamang ng ilang senador na i-table o pansamantalang isantabi ang impeachment proceedings upang bigyang-daan ang proseso sa Korte Suprema.

Dagdag pa ng abogado, ang pag-archive ng kaso ang siyang “best choice” sa kasalukuyang sitwasyon.

--Ads--

Dahil kapag in-archive ang impeachment complaint, ibig sabihin hindi muna ito magiging prayoridad, pero hindi pa rin tuluyang ibinasura dahil ipinaubaya muna ito habang naghihintay ng pinal na desisyon.

Gayunman, nagbabala si Atty. Cera na kung maaprubahan ang motion to dismiss, ay tuluyan nang maisasara ang kaso at wala nang babalikan pa.

Hinggil naman sa inaasahang mababaliktad pa ang desisyon, ani Cera, “Suntok sa buwan” ang reversal dahil bihirang-bihira itong mangyari, ngunit hindi naman imposible.

Sa kabila nito, inaabangan naman aniya ang magiging resulta sa legal na eksperto sa magiging takbo ng usapin, habang umaasa ang ilan na mananaig ang due process at ang integridad ng mga demokratikong institusyon.