Ikinalungkot ni Senator Kiko Pangilinan ang biglaang pag-archive ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi pa tapos ang proseso sa Korte Suprema.
Ayon sa senador, kasalukuyang pending pa ang Motion for Reconsideration (MR) na inihain ukol sa isyu, kaya’t hindi pa ito pinal o nareresolba.
Giit niya, hindi sana dapat agad ini-archive ang reklamo lalo’t may nakabimbing mosyon.
Ang senado kasi aniya ang may exclusive jurisdiction bilang impeachment court at ito ang may kapangyarihan sa nasabing usapin.
Ngunit tila inagaw o pinawalang-bisa ang papel ng Senado dahil sa desisyon ng Kamara na idineklarang void ang inisyu.
Dagdag pa ng senador, nang suriin ang inilabas na ruling, nakita raw niyang maraming kamalian sa mga nilalaman nito.
Aniya, mas nararapat na hinintay muna ang resulta ng Motion for Reconsideration bago nagdesisyong i-archive ang mga reklamo.
Binanggit din ni Pangilinan ang hindi pagkakasunod-sunod sa pagkaka-dismiss ng mga complaints.
Dahil nunang dinismiss ang ika-apat na complaint, saka sinunod ang tatlo, kaya lumalabas na may mali sa proseso.
Nilinaw din ng senador na wala silang layuning suwayin ang anumang institusyon, at iginiit na handa silang hintayin ang pinal na pasya ng Korte Suprema ngunit nararapat din lamang na magkaroon ng pag-aayos sa naging kamalian.