Mga kabombo! Mahilig ba kayo mag-snacks ng junk foods?
Anong klaseng favor naman kaya ang lagi ninyong pinipili?
Baka gusto niyong subukan ang isang bagong fllavor na 9-volt battery?
Isang snack brand sa Netherlands kasi ang gumawa ng ingay matapos ilunsad ang kauna-unahang tortilla chips sa mundo na may lasang 9-volt battery.
Ang kakaibang produkto ay hango sa karanasan ng ilang kabataan noong dekada nobenta.
Ang layunin ng kompanyang Rewind ay gayahin ang pakiramdam ng bahagyang “kuryente” at metalikong lasa na nararanasan kapag idinidikit ang dila sa dulo ng isang 9-volt battery—isang kakaibang gawain ng mga kabataan noong 90s.
Umaasa ang kompanya na dahil sa nostalgia at pagkausyoso, maraming tatangkilik sa kanilang bagong produkto.
Nauna naman nang nilinaw ng kumpaniya na walang anumang sangkap ng baterya ang ginamit sa paggawa ng kanilang sitsirya at lahat ng ingrediente ay ligtas kainin.
Ayon sa chef na si Mattias Larsson, ginamit nila ang pinaghalong citric acid at sodium bicarbonate para sa “tongue-tingling effect” o bahagyang pakiramdam ng kuryente. Ginamit naman ang mga mineral salt para makuha ang metallic taste.
Ayon naman sa pinuno ng creative design na si Antti Lauronen, ang Rewind ay isang brand na inspirasyon ng nostalgia.
Sa kasalukuyan, ang 9-volt battery-flavored chips ay mabibili pa lamang sa Netherlands, ngunit may plano ang kompanya na palawakin ang distribusyon nito sa buong Europe.