iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang pahayag ay kasunod ng patuloy na debate sa Senado kaugnay ng usapin bago ang inaasahang botohan hinggil sa kaso.
Sa isang press briefing sa New Delhi, binigyang-diin ni Palace Press Officer Claire Castro na kinikilala ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema, bilang ito ang pinakamataas na tagapagpasya sa mga legal na usapin.
Nagpaalala rin ang Palasyo sa mga senador na gampanan lamang ang kanilang tungkulin alinsunod sa batas at tamang proseso.
Dagdag pa ni Castro, hindi makikialam si Pangulong Marcos sa mga proseso sa Senado, at ipinauubaya niya sa mga mambabatas ang magiging kapalaran ng impeachment trial.