Nakumpiska sa bayan ng Tayug ang nasa 30 gramo o tinatayang 204,000 piso ng illegal na droga sa pangangalaga ng isang babaeng itinuturing na Regional Top Priority Drug Target.

Naaresto ang isang 54-anyos na babae matapos magsagawa ng search warrant operation ang mga otoridad sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit 1 katuwang ang ilan pang unit, PDEA Pangasinan at Region 1 maging ang ilang tauhan ng Tayug MPS.

Isinagawa ito sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 52.

--Ads--

Bukod sa mga droga ay kasama rin sa mga nakumpiskang ebidensiya ang iba pang mga bagay na hindi kaugnay ng droga.

Samantala, isinagawa ang pag-iimbestiga at pagmamarka ng mga ebidensiya sa mismong lugar sa presensya ng mga kinakailangang saksi, alinsunod sa batas.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 .