Dagupan City – Muling magsasagawa ang National Police Commission o NAPOLCOM ng PNP entrance at Promotional Examination sa lalawigan ng Pangasinan sa darating na Oktubre 19, 2025.

Ayon kay Atty. Philip Raymund Rivera, Provincial Head ng NAPOLCOM Pangasinan, naging semi-annual na ang pag-conduct nito dahil sa mga nagdaang PNP entrance at Promotional Examination.

Isa naman sa kanilang requirements ay dapat nakapagtapos ng kahit anong 4-year course .

--Ads--

Kaya’t sa mga nagnanais na mapabilang sa kanilang hanay,maaring magtungo lamang aniya sa tanggapan ng Pangasinan police provincial office para sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento at bisitahin ang kanilang official website para sa mga kinakailangan pang dapat gawin.

Noong nakaraang taon, nasa 1500 lamang ang kumuha ng naturang pagsusulit kaya naman patuloy ang kanilang panghihikayat at samantalahin ang pagkakataon.