Dagupan City – Arestado ang isang 42-anyos na lalaking kontratista sa bayan ng Tayug matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at baril sa kanyang pangangalaga.
Isinagawa ang pagdakip sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 52 sa Barangay Magallanes na target ang suspek dahil sa diumano’y paglabag sa Republic Act (RA) 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng Tayug Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakumpiska sa suspek ang nasa kabuuang 10 pakete ng mga hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 13.6 grams na tinatayang nagkakahalaga sa P92,480 kasama rin ang .45 caliber pistol, 35 bala ng .45 caliber ammunition, mga gamit sa droga, at P12,592 na pera.
Samantala, Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek para sa tamang dokumentasyon at harapin ang mga kasong nakapataw sa kanya kasama pa ang kasong paglabag sa R.A. 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.