Mga kabombo! Kung ang ordinaryong sanggol ay nadedevelop sa loob ng 9 na buwan.
Aba! Ibahin niyo ang sanggol na isinilang nitong Hulyo 26 dahil 30-taon ang iginugol ng mga eksperto para madevelop ito.
Ang sanggol ay pinangalanang si Thaddeus Daniel Pierce, isinilang noong Hulyo 26 at ang embryo na ginamit ay nilikha at inilagay sa cryopreservation noong 1994.
Ang embryo ay naka-cryopreserve sa loob ng 30-taon bago ito “in-adopt” sa Estados Unidos at isinilang ng isang mag-asawang sina Lindsey at Tim Pierce na taga-Ohio na pitong taon nang sumusubok magkaanak.
Ayon sa ulat, ang embryo ay nagmula kay Linda Archerd, 62-anyos na ngayon.
Noong 1994, sumailalim ito sa in vitro fertilization (IVF) at nagkaroon ng apat na embryo.
Isa rito ay ginamit at isinilang niya na ngayon ay 30-anyos na.
Ang mga natirang embryo, kabilang ang ginamit para kay Thaddeus ay inimbak.
Nangangahulugan ito na ang bagong silang na si Thaddeus ay mayroong biological sibling na 30 years old ang tanda sa kanya.
Matapos maghiwalay si Archerd at ang kanyang dating asawa, iginawad sa kanya ang kustodiya ng mga naka-freeze na embryo.
Mataopos ang tatlong dekada, nanatili itong naka-imbak sa freezer hanggang sa nagpasya siyang ipa-“adopt” ito sa mag-asawang Pierce na nahihirapang magkaanak.