How cute! Mga Kabombo! Dinagsa ng libo-libong katao ang Pacifica State Beach, sa San Francsico upang makita ang pagsakay ng mga aso sa surf board kasama ang kanilang mga amo.
Ang naturang kaganapan ay ang Annual World Dog Surfing Championship.
Kabilang na sa mga lumahok ay si Charlie, isang 10-taon gulang na yellow lab.
Ayon sa kaniyang amo na mahilig si Charlie sa surfing at sa tuwing nadadako sila sa karagatan ay agad nitong kinukuha ang kaniyang surfboard at kakaripas ng takbo patungong katubigan.
Kasama nito na nakilahok sa naturang kompetisyon ang 15 sa 20 iba pang canine wave riders sa Pacifica.
Sa kaganapang ito, nagpaligsahan ang mga aso laban sa mga kapwa nila kasing laki para sa pagkakataong makapasok sa finals. Sa iba pang mga round, ilang aso ang sabay-sabay na nag-surf o sumakay kasama ang mga tao.
Maingat na sinuri ng mga hurado kung gaano katagal nanatili ang mga aso sa kanilang surfboard, kung gaano sila kagaling sa pagbalanse, at kung gumawa ba sila ng mga trick—tulad ng pag-ikot habang nakasakay.