Tinawag na ‘unfair at unjust’ ni dating Commission on Elections Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang kasalukuyang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng missing sabungeros.
Ani Guanzon, hindi patas at hindi makatarungan na sabihin ni Remulla na isang ‘criminal syndicate’ ang grupo ng kilalang business tycoon na si Mr. Charlie Atong Ang nang hindi pa umuusad o nauumpisahan ang preliminary investigastion sa naturang kaso.
Dito na niya binigyang diin ang salitang ‘ARALIN PO NINYONG MABUTI, BAAGO PO KAYO MAGHUSGA’.
Dapat kasi aniya, ang isang Secretary of Justice ay ‘above politics’, patas at dapat sumusunod rin sa ‘due process’ na siyang alinsunod sa batas bilang siya ang huling lalagda sa ilalabas na resolusyon sa kaso na siya namang mangmumula sa piskalya.
Aniya, nakakabahala ang mga nagiging developments sa kaso lalo na sa bahagi ng pagsasampa ng kasong murder sa grupo nila Ang kasama na ang ilan pang pangalan gaya ng aktres na si Gretchen Barretto.
Nakakatakot din aniyang isipin na hindi pa naguumpisa ang naging kaso ay nahatulan na bilang guilty ang mga respondents ng walang nangyayaring mga pagdinig at hindi man lamang dumaan sa due process.