DAGUPAN CITY- Nagbigay ng ilang mga payo ay bilin ang Commission on Election sa bayan ng Alcala para sa mga magpaparehistro sa kanilang tanggapan.

Sa isang panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng Commission on Elections (COMELEC) Alcala, inihayag niyang sampung araw lamang ang nalalabing panahon para sa pagpaparehistro ng mga botante.

Aniya, bukas ang kanilang tanggapan maging sa araw ng Sabado at Linggo upang bigyang-daan ang mga kabataang nag-aaral sa ibang lugar at iba pang hindi makapagparehistro sa mga regular na araw.

--Ads--

Pinaalalahanan din niya ang mga magpaparehistro na dalhin ang mga kinakailangang dokumento, kabilang ang valid ID na nakarehistro sa bayan ng Alcala.

Mahigpit aniyang ipinatutupad ang requirement na ang ID ay dapat naka-address sa nasabing bayan.