DAGUPAN CITY- ‎Muling nagbukas ng isa pang gate ang pamunuan ng San Roque Dam, kasunod ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig dito.

‎Dahil dito, inaasahang maaapektuhan ang daloy ng tubig sa Agno River, na dumadaloy sa ilang bayan sa Pangasinan, kabilang ang bayan ng Urbiztondo.

‎Ayon sa LDRRMO head ng Urbiztondo na si Arlyn Muñoz, nananatiling maayos ang kondisyon ng Agno River sa kanilang lugar.
Sa kabila ng pagbubukas ng gate ng dam noong Miyerkules, bahagyang bumaba pa nga ang antas ng tubig sa ilog.

--Ads--

‎Sa kasalukuyan, wala nang evacuees sa mga evacuation centers matapos makauwi ang mga residenteng pansamantalang lumikas mula sa Barangay Poblacion.

‎Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na handa silang tumugon sakaling biglang tumaas ang tubig at mangailangan ng agarang paglikas.

‎Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na manatiling mapagmatyag, maging alerto sa mga anunsyo, at agad na lumikas kung kinakailangan upang makaiwas sa panganib.