DAGUPAN CITY- Sa kabila ng nangyaring paglalabas ng tubig mula sa San Roque Dam, nananatiling ligtas ang mga tao at walang naiulat na masamang epekto ang nasabing pangyayari sa bayan ng Basista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Robillos, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) ng Basista at kasalukuyang Presidente ng PALDRRMO, buong araw na nakaranas ng maaliwalas na panahon at walang kahit anong pag-ulan ang kanilang bayan.

Bagamat may ginawang release ng tubig mula sa dam, sinabi niyang agad nilang sinuyod at ininspeksyon ang mga low-lying at flood-prone areas sa Basista upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

--Ads--

Dagdag pa niya, patuloy ang ginagawang pagbabantay ng kanilang opisina sa mga posibleng epekto ng kalamidad.