Isinagawa ang 30th culminating ceremony sa pangunguna ng Napolcom Pangasinan bilang bahagi sa pagtatapos sa selebrasyon ng Police Community Relations month sa buong buwan ng July.
Kung saan ang selebrasyon ay pinangunahan ng NAPOLCOM-Pangasinan katuwang ang buong kapulisan ng Pangasinan Police Provincial Office upang bigyang pagkilala rin ang mga ito sa kanilang malaking parte sa kumunidad at iba pa, gayundin ang kanilang mga partner agency at mga stakeholders para maiparating ang adhikain ng opisina sa komunidad.
Ayon sa naging panayam kay Atty. Philip Raymund Rivera ang siyang provincial head ng NAPOLCOM Pangasinan at nagsilbi bilang panauhing pandangal sa naturang seremonya ay binigyang diin nito sa kanyang mensahe na hindi lamang dapat dito natatapos ang maigting na ugnayan ng kumunidad at mga kapulisan ngunit ito ang nagpapaalala na mas lalo pang palalimin ang tungkulin ng bawat isa para sa maayos at ligtas na kumunidad.
Samantala, isa aniya sa nagging highlights ng selebrasyon na ito ay ang gift giving na kanilang isinagawa sa bayan ng Manaoag, kung saan namahagi sila ng munting mga regalo para sa residente ng Brgy. Pugaro at maging sa mga kabataan, pagbibigay pagkilala sa mamamahayag ng Pangasinan at sa mga kapulisan na tumulong sa pagbibigay ng relief goods at nagpakita ng kanilang katapangan at katapatan sa kanilang trabaho sa kabila ng kalamidad.
Bukod pa rito ay tuloy tuloy naman ang mga aktibidad na gagawin ng tanggapan para sa kanilang layunin sa bayan gaya na lamang ng National Crime Prevention Program.
Dagdag din nito na batay sa kanilang datos pagdating sa crime incidents lalawigan ay matatawag naman na generally peaceful at madalas na naitatalang krimeng vehicular traffic incidents o VTI lamang.