Maghanda na ang mga motorista sa muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa unang linggo ng Agosto, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng DOE Oil Industry Management Bureau, inaasahang tataas ang presyo ng mga sumusunod na produkto batay sa apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore:
Gasolina – dagdag P1.50 kada litro
Diesel – dagdag P1.00 kada litro
Kerosene – dagadag P0.80 kada litro
Ang pagtaas ng presyo ay dulot ng ipinatupad na sanctions ng Estados Unidos laban sa mga nagbebenta ng langis mula Russia at Iran, gayundin ang paglakas ng aktibidad sa ekonomiya matapos ang kasunduan sa kalakalan sa pagitan ng US at European Union.
Samantala, nananatili ang price freeze para sa kerosene at LPG products sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.