DAGUPAN CITY- Mahigpit na binabantayan ngayon ang 14 na barangay sa bayan ng Mangatarem dahil sa posibilidad ng pag-apaw ng Agno River, kasunod ng pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque Dam.

Ayon kay Engr. Soquila ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), agad nilang inabisuhan ang mga residenteng posibleng maapektuhan matapos ang anunsyo ng dam management.

Nananatiling mataas ang lebel ng tubig sa ilang bahagi ng ilog, na nagdudulot ng patuloy na pagbaha dahil sa hindi maayos na pag-agos ng tubig.

--Ads--

Ilang residente na rin ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga nasa mabababang lugar na maging alerto at lumikas agad kung kinakailangan.

Hinihikayat din ang maagang pag-deploy ng mga responder upang maiwasan ang pagkaipit sa posibleng biglaang pagbaha.