DAGUPAN CITY- Malaki ang naging pinsala ng sunod-sunod na bagyo sa sektor ng agrikultura sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Ilocos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jayson Cainglet, Executive Director ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), maraming magsasaka ang nahinto sa kanilang paghahanda para sa pagtatanim, habang ang iba naman ay kakapunla pa lamang nang tumama ang magkakasunod na kalamidad.

Dahil dito, inaasahan niyang mas madali ang magiging pagbangon ng mga sakahan kumpara sa mga panahong may mas malalaking tanim na nasira.

--Ads--

Iginiit din naman niya ang kahalagahan ng agarang pagpapautang sa mga magsasaka upang mapabilis ang kanilang pagbangon at muling makapagsimula.

Dagdag pa niya, patuloy na hinihikayat ngayon ang mga apektadong magsasaka na ipagpatuloy ang kanilang pagsasaka sa kabila ng mga naranasang sakuna.

Isa ang Ilocos Region sa mga rehiyong labis na naapektuhan, kung saan maraming pananim ang nasira at mga sakahan ang nalubog sa baha.