DAGUPAN CITY- Nagsagawa na ng clearing operation ang Department of Public Works and Highways Pangasinan 3rd District Engineering Office sa daanan ng tubig sa bahagi ng National Road sa barangay Bobonan sa bayan ng Pozorrubio.

Ayon kay Engr. David Magno ng Maintenance Section ng nasabing ahensya, taon-taon nang problema ang tubig baha sa nasabing lugar.

Ang tubig baha na nakakaapekto sa lugar ay nanggagaling sa bundok na naipon dahil sa ulan kaya dumadaan sa kanal na siyang nagsasahin ng pagbulwak nito na kumakalat sa bahagi ng kalsada.

--Ads--

Aniya, gumagawa ang kanilang mga tauhan ng clearing operations sa daanan ng tubig dahil sa lakas ng pagbulwak na may dalang buhangin na galing sa bundok upang masaayos ang daloy nito at hindi na tumaas pa.

Aniya, na umaabot sa gutter deep ang tubig kapag malakas ang buhos ng ulan habang kung humupa naman ang ulan aabot nalang sa angkle deep.

Nasa mahigit 2 linggo na aniya itong nararanasan dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon.

Umaabot naman sa 300-500 linear meters ang haba ng naapektuhang kalsada dahil sa baha.

May mga natatanggap na umano silang mga reklamo lalo na ang mga kabahayan malapit dito na napeperwisyo at motorista na nangangamba sa pagiginh takaw disgrasya lalo na tuwing gabi at malakas na ulan.

Saad naman nito na dumadaan ang tubig sa cross drainage na maaring lumabas ilog malapit sa Bobonan Bridge ngunit minsan nag-ooverflow kaya kumakalat sa buong kalsada na napupunta din sa ilang bukirin malapit dito.

Samantala, nakikita naman nilang ang magiging solusyon dito ay ang pagpapalawak o pagpapalaki ng drainage system sa nasabing lugar dahil hindi na kinakaya ang tubig ng nailagay na standard na kanal.

Nag-aantay na lamang sila ng kinakailangang pondo para masimulan na ang konstruksyon na maaring maging solusyon ngunit sa ngayon ay nakaantabay nalang ang kanilang mga tauhan sa patuloy na monitoring at pagtatanggal ng mga maaring bara sa drainage system.