Dagupan City – Pinayuhan ng Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan na huwag munang pumalaot dahil sa nakataas na Gale Warning.
Inaasahan pa kasi ang mga malalakas na hangin at alon na maaaring magdulot ng panganib sa mga mangingisda na sanhi ng habagat.
Nakaalerto naman ang ilang mga lokal na pamahalaan na handang tumulong sa mga mangingisda lalo na sa kanilang apektadong pangkabuhayan dahil aasahan pa na magpapatuloy ang sama ng panahon sa mga susunod na araw.
Kahit pa ganun, Ilan naman sa mga mangingisda ay nagpapalaot parin kahit may banta ng masungit na panahon para sa kanilang pamilya.
Samantala, Inirerekomenda ng mga nasabing opisina na na sundin ang mga babala at advisory na inilalabas nila upang maiwasan ang anumang sakuna habang patuloy na binabantayan ang sitwasyon at maglalabas ng mga update kung kinakailangan.