DAGUPAN CITY- Patuloy ang monitoring ng MDRRMO Mangaldan sa sitwasyon ng bayan kasabay ng pamamahagi ng relief goods.

Sa inisyal na assessment, walang malawakang pinsala maliban sa ilang bahay na natabunan ng punong kahoy dahil sa lumambot na lupa.

Binabantayan pa rin ang Angalacan River, ngunit nananatili ito sa normal na lebel.

--Ads--

Hindi rin kinailangang magtaas ng alert level.

Nasa ilalim ng state of calamity ang bayan, kaya’t puspusan ang pagtugon ng lokal na pamahalaan.

Nananatiling naka-alerto ang MDRRMO habang nagpapatuloy ang pag-ulan.