Dagupan City – Natuklasan ng mga awtoridad na sinadyang sirain ng ilang residente ang bahagi ng dike sa Barangay Talibaew, bayan ng Calasiao upang subukang mailabas ang tubig-baha mula sa kanilang lugar.

Sa halip na makatulong, lalo lamang lumala ang pagbaha na ngayon ay nakaapekto na sa mahigit daan-daang residente sa mahigit 20 barangay.

Dahil dito, base sa obserbasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, mas lumala pa ang sitwasyon sa Barangay Longos, Lasip, at Lumbang, kung saan umabot sa lagpas-bahay ang tubig.

--Ads--

Kaya naman nagkaroon ng rescue operations at marami ang pansamantalang nanirahan sa evacuation centers.

Patuloy pa rin na binabantayan ng mga opisyal ang antas ng tubig dahil sa mga pag-ulan at pag-apaw ng Marusay-Sinucalan River.