Dagupan City – Nakahanda at patuloy na nagbibigay ng tulong ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasakang naapektuhan ng sunod-sunod na sama ng panahon sa lalawigan ng Pangasinan.
Matatandaan na pumalo sa milyong-milyong piso ang naging danyos sa agrikultura sa lalawigan epekto ng malawakang pagbaha
na nagsahi ng pagdedeklara ng mahigit 10 lokal na pamahalaan sa state of calamity.
Ayon kay SEC. Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform na patuloy ang kanilang pag-alalay sa mga apektadong magsasaka.
Kabilang sa mga tulong na ibinigay ng DAR ay mga binhi, pataba, kagamitan sa pagsasaka, at iba pa gaya sa isinagawa kahapon sa bayan ng rosales na nakapagbigay ng nasa kabuuang halaga na 80 milyon ng mga Farm machineries & Equipment and Farm inputs para sa pagtugon sa climate change.
Layunin ng DAR na matulungan ang mga magsasaka na makabangon mula sa pinsalang dulot ng masamang panahon at maibalik ang kanilang kabuhayan.
Samantala, patuloy naman ang kanilang pagsusumikap upang maabot ang lahat ng mga magsasakang nangangailangan ng tulong dahil nilalayon ng ahensya na mapabuti ang kanilang mga programa para maging mas epektibo ang pagtulong sa mga magsasaka.
Hinikayat naman ang mga magsasakang naapektuhan ng masamang panahon na makipag-ugnayan sa kanilang pinakamalapit na tanggapan upang makatanggap ng tulong.