DAGUPAN CITY- Tinanggap ng nasa 123 Agrarian Reform Beneficiaries Organization ng Pangasinan ang ipinamahaging mga Farm Machineries & Equipment and Farm Inputs mula sa Department of Agrarian Reform sa pamumuno ni Secretary Condrado Estrella III.
Isinagawa ito sa Rosales Farmers Market na dinaluhan ng ilang magsasaka mula sa una hanggang ikaanim na distrito ng Pangasinan, lokal na opisyal ng bayan at mga kawani ng Regional at provincial office ng nasabing opisina.
Umaabot sa 80,050, 564.60 ang halaga ng mga ito kung saan nasa kabuuang 12,109 units gaya ng Tractor, harvester, water pump, sprayer, Fertilizer, insecticide, Foliar at iba pa na makakatulong sa mga magsasaka.
Ang inisyatibang ito ay bahagi sa pagtugon ng ahensya sa pabago-bagong panahon upang mapakinabangan ng mga magsasaka at para maipakita ang buong suporta ng gobyerno sa kanila.
Ayon kay Sec. Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform na magpapatuloy ang ganitong mga programa dahil hindi dapat kalimutan ang pangangailangan ng mga magsasaka dahil sila ang nagpapakain sa bansa.
Makakaasa aniya na nasa likod nila ang nasabing ahensya dahil hindi sila nag-iisa sa laban ng buhay lalo na ngayong nararanasan ang climate change at mga bagyong sumisira sa kanilang mga pananim.
Saad naman ni Regional Director Maria Ana Francisco na nasa humigit kumulang 140 milyong halaga na ng Farm machineries & equipment and Farm inputs ang naibibigay sa rehiyon.
Aniya na tumataas ngayon ang budget ng ahensya sa rehiyon para dito na nakalaan sa mga magsasaka kumpara sa nakaraang 3 taon na pumapalo lamang sa 12 milyong piso bawat probinsya.
Inaasahan pa aniya na mas mabibigyan pa ng tugon ang lahat ng mga kinakailangang kagamitan ng mga magsasaka para sa sektor ng agrikultura.
Samantala, lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga nakatanggap na mga benepisyaryong grupo dahil malaking tulong ito lalo nat may gagamitin sila sa pagsasaka kung saan sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang kanilang mga trabaho sa bukid.
Mas mapapalakas pa ang kanilang ani upang mapataas ang kalidad ng mga agricultural products na maaring mapakinabangan ng bawat mamamayang pilipino