DAGUPAN CITY- Binisita ni Migrant Workers Sec. Leo Cacdac ang itinatayong bagong gusali ng Department of Migrant Workers Regional Office 1 sa bayan ng Rosales.

Ayon sa kaniya, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, mas mailalapit pa nito ang mga programa ng kanilang ahensya sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), lalo na ang mga nasa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, partikular nang maitutulon nito ay ang pag proseso ng mga dokumento, pagkakaroon ng mga trainings tulad ng anti-illegal recruitment training, livelihood training, reintegration training, at marami pang mga aktibidad na handog ng kanilang ahensya para sa mga OFW at pamilya ng mga ito.

--Ads--

Bagaman, hindi pa gaano karami ang mga pasilid ng DMW, ang itatayo sa bayan ng Rosales ay kaniyang tiniyak na ganap na at komprehensibo para magbigay ng kalidad na serbisyo.

Samantala, nakikita naman ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III na malawak pa ang mahahatiran ng magandang serbisyo sa oras na maitayo na ang nasabing gusali.

Aniya, makakatulong ito sa mga kababayan na nais mangibang bansa at makaiwas sa mga illegal na aktibidad tulad ng illegal recruitment dahil sa maihahatid na serbisyo ng ahensya.

Katulad na lamang naiya sa mga magsasaka o mga kaanak nila na nais mangibang bansa.

At sa pamamagitan nito, makakatulong pa ito sa pagpapabuti ng ekonomiya, lalo na sa nasabing bayan.

Mas mailalapit din ang mga programa ng DMW sa mga kalapit lalawigan.

Laking pasasalamat naman ni Rosales Mayor William Cezar ang pagpapatayo ng Regional Office ng DMW.

Aniya, malaking bagay ito para sa kanilang bayan at buong lalawigan ng Pangasinan dahil mapapadali pa nito ang pagproseso ng mga dokumento ng kanilang mga kababayan na OFW.

Sa kabilang dako, ayon kay Engr. Maria Venus Torio, District Engineer ng DPWH-Pangasinan 3rd Deo, may mahigit na P43-million na pondo ang inilaan para sa gusali.

Aniya, nagsimula ito noong October 2022 at nagtapos noong August 2023 ang Phase 1a at b, gamit ang P20-P30 million allocation.

Sa kasalukuyan, nasa 70% na ang progreso ng tinatayong gusali.

Inaasahan naman na magtatapos ito sa March 2026 subalit, bibilisan nila ito hanggang Disyembre ngayon taon.

Dagdag pa niya, may 4 palapag ang gusaling ito at malalagyan ito ng elevator.

Umaabot naman sa 1,700 square meter ang lawak ng lote habang ang Office Building naman ay mayroon lawak na 2,500 square meter.