Dagupan City – Naabot na ng Marusay River sa bayan ng Calasiao ang Critical Level na nasa mahigit 10 ft. dulot ng magdamagang ulan ng habagat.

Dahil dito, nag-overflow na ang ilog dahil sa malakas na buhos ng ulan kaya;t inaasahang maapektuhan ang 70-80 % ng bawat barangay at magsanhi ng pagsasara ng mga kalsada sa mga light vehicle.

Ayon kay Freddie Villacorta ang Head ng MDDRMO Calasiao na nasa 17 barangay na ang apektado ng baha sa halos 24 barangay na mayroon ang bayan ngunit nagpapatuloy pa ang assessment at monitoring nila dahil sa pag-apaw ng ilog at deritsong pag-ulan.

--Ads--

Aniya na nasa red alert status parin ang kanilang hanay upang tumugon sa mga apektado ng indibidwal sa bayan habang nakahanda na ang kanilang mga rescue teams para sa mga rescue operations activities sakaling may humingi ng tulong.

Umaabot na sa 15987 na indibidwal o nasa 4464 na pamilya ang apektado na ng pagbaha sa mga barangay at inaasahang madaragdagan pa.

Saad pa nito na nasa 2 to 3 ft ang ilang barangay na nakitaan ng mataas na tubig baha o nasa lagpas beywang kaya ang iba ay hindi madaanan ng mga light vehicles kaya pansamantala munang sarado.

Kaugnay nito, dahil sa nararanasang pagbaha ay magkakaroon ng meeting ang MDRRMO kasama ang lokal na pamahalaan ng Calasiao upang pag-usapan kung magdedeklara sila ng state of calamity.