Dagupan City – Inilikas na ang 18 Pamilya mula sa Zone 1 hanggang 9 ng Brgy. Malued dahil sa ampas taong lebel ng tubig.

Sa naging panayam kay Brgy. Malued Capt. Filipina “Pheng” Delos Santos, pahirapan ang kanilang isinagawang pag-iikot dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.

Dahil dito, inaasahan pa nila aniya ang pagdami ng mga evacuees sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Malaking tulong naman aniya ang ipinatayong evacuation centers sa kanilang lugar dahil dito nanunuluyan ang mga residenteng lumikas.

Samantala ayon naman sa mga residenteng sina Lilybeth Nevado at Luzviminda Ramos, mababaw pa lang ang tubig inumpisahan na nilang itaas ang kanilang kagamitan hanggang sa napilitan na lamang din silang lumikas dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig na uamabot na sa lampas tao.