Dagupan City – Ramdam na ang kakulangan sa suplay ng ilang pangunahing gulay ‎sa lungsod ng Dagupan kasunod ng pananalasa ng Bagyong Crising at patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Ayon sa mga ulat mula sa lokal na agrikultura, ilang taniman sa lalawigan ang nalubog sa baha, dahilan para hindi maani ang mga pananim tulad ng talong, kamatis, at sitaw.

Ang ibang ani naman ay nasira na sa sobrang pagkababad sa tubig, kaya’t hindi na maipagbibili.

Sa mga palengke sa lungsod, napansin ang pagtaas ng presyo at kakulangan ng suplay.

Ayon sa mga tindera, ang dating regular na dating ng mga produkto mula sa mga supplier ay nabawasan ng halos kalahati.

Sa ngayon, mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang sitwasyon at inaasahang makakarekober ang suplay sa mga darating na linggo kung papabor ang panahon.

--Ads--