DAGUPAN CITY- Batay sa pinakahuling datos ng MDRRMO, sampung barangay na ang apektado ng pagbaha, Talibaew, Lumbang, Ambonao, Bued, Gabon, Longos, Poblacion East, Poblacion West, Mancup, at Buenlag. Tinatayang nasa 1 hanggang 3.5 talampakan ang lalim ng baha sa mga lugar na ito.
Umabot na rin sa 2,528 pamilya ang apektado, ngunit wala pa ring inililikas sa mga evacuation center sa ngayon.
Pinakamaraming naapektuhan ay mula sa Barangay Talibaew na may kabuuang 4,710 na indibidwal.
Wala pang evacuees, ngunit nakahanda ang MDRRMO sa force evacuation kung lumala pa ang sitwasyon.
Patuloy din ang monitoring at pamamahagi ng ayuda.
Sa Barangay Buenlag, umabot na sa 40–50 kabahayan ang lubog sa tubig sa Sitio Soriano.
Sa Sitio Binco, mas malalim na ang baha.
Ayon kay Barangay Captain Edwin Paragas, nananatili pa ang mga residente ngunit nakaalerto na sila para sa posibleng paglikas.