DAGUPAN CITY- Nanindigan si Prime Minister Shigeru Ishiba ng Japan na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa kabila ng inaasahang pagkatalo ng kanilang koalisyon sa halalan para sa upper house ng bansa.
Sa kabila ng mga exit poll na nagpapakitang posibleng mawalan ng mayorya ang koalisyon ng Liberal Democratic Party (LDP) at Komeito, iginiit ni Ishiba na hindi ito aatras.
Ayon sa kanya, “taos-puso” niyang tinatanggap ang “mabigat na resulta,” ngunit nakatuon pa rin umano siya sa mahahalagang usaping gaya ng negosasyong pangkalakalan.
--Ads--
Ginaganap ang halalan sa gitna ng lumalaking pagkadismaya ng publiko sa gobyerno dahil sa tumataas na presyo ng bilihin at banta ng US tariffs.