Matagumpay na naipanalo ng Filipino boxing Olympian na si Eumir Marcial ang kanyang ika-anim na laban sa professional boxing, matapos pabagsakin si Bernard Joseph mula sa Amerika sa ikatlong round ng kanilang laban.

Ang match ay ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, Sabado, Hulyo 19 (Linggo, Hulyo 20, oras sa Manila).

Ang laban ni Marcial ay isa sa mga undercard na tampok sa WBC Welterweight match ni Manny Pacquiao laban kay Mario Barrios, at pinakita ni Eumir ang kanyang kakayahan sa isang estilong pang-boxing na punong-puno ng lakas at diskarte.

--Ads--

Sa laban, pinabagsak ng 29-anyos na si Eumir Marcial mula sa Zamboanga ang kanyang kalaban sa ikalawang round, at matapos ang ilang minuto, tinapos ang laban sa 1:55 ng ikatlong round sa pamamagitan ng Technical Knockout (TKO).

Sa ngayon, hindi pa natatalo si Marcial sa kanyang professional career, na may 6 na panalo at 4 na knockouts.

Muling pinatunayan ng pambato ng Pilipinas ang kaniyang lakas at husay sa mundo ng propesyonal na boksing.