Dagupan City – Nakahanda na ang Department of Health (DOH) Region 1 sa pagtataas ng Code White Alert sa kanilang Operations Center (OpCen) bilang paghahanda sa maaring epekto ng Bagyong Crising sa Rehiyon uno.

Nakabatay ito sa pagtalima sa utos ng DOH Central Office kung saan ang Code White Alert ay nagpapahiwatig ng paghahanda at pag-aalerto ng mga tauhan at kagamitan upang matugunan ang anumang pangangailangan sa kalusugan na maaaring dulot ng bagyo.

Naka-alerto na ang mga Health Emergency Response Teams at handa nang magresponde sa mga apektadong lugar.

--Ads--

Sinisiguro rin ng ahensya na sapat ang suplay ng mga gamot at medical equipment sa mga ospital at health centers sa mga bayan o lungsod na nasa ilalim ng banta ng bagyo.

Para sa mga nangangailangan ng tulong medikal, maaari silang tumawag sa National Emergency Hotline 911 o sa kanilang mga lokal na emergency hotlines.

Pinapayuhan din ang publiko na manatiling alerto at sundin ang mga babala at payo ng mga lokal na awtoridad.

Samantala, patuloy naman na binabantayan ng DOH ang sitwasyon at nagbibigay ng mga update sa publiko.