DAGUPAN CITY – Arestado ang isang drug personality sa isinagawang search warrant operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)Pangasinan, Calasiao Municipal police station at iba pang ahensya na nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit kumulang 60 grams ng shabu.

Ayon kay Atty Benjamin Gaspi, Director ng PDEA Region I, ang naaresto ay residente ng barangay Gabon sa Calasiao,Pangasinan.

Base sa imbestigasyon, dati ng naaresto ang suspek ng PNP Calasiao sa isa ring anti-illegal drug operation at nakulong ng humigit kumulang anim na taon noong April 2014 dahil sa paglabag sa RA 9165.

--Ads--

Nakuha rin sa kanyang position ang iba pang paraphernalias, firearms at explosives.

Base pa sa imbestigasyon, kumukuha ang suspek ng shabu sa isang alyas Joel mula sa bayan ng Infanta, ngunit naaresto na rin ito at kasalukuyan nang nakakulong.