Lumakas pa ang bagyong Crising bilang isang tropical storm mula sa pagiging tropical depression.
Ang tinatayang sentro ng bagyo ay nasa layong 335 km silangan ng Echague, Isabela o 325 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 km/h at pagbugsong 80 km/h.
Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ilang bahagi ng hilagang Luzon gaya ng Batanes, Cagayan kabilang ang mga Isla ng Babuyan, ang hilaga at silangang bahagi ng Isabela , Apayao, ang hilagang bahagi ng Kalinga, ang hilagang bahagi ng Abra, Ilocos Norte, at ang hilagang bahagi ng Ilocos Sur .
Nakataas din ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon gaya ng natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, ang natitirang bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, ang natitirang bahagi ng Abra, Benguet, ang natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, ang hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Lungsod ng Dagupan, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, Lungsod ng Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, Bugallon), ang hilagang bahagi ng Aurora, hilagang-silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan), mga Isla ng Polillo, Camarines Norte, Catanduanes, at ang hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur.