Dagupan City – Nanawagan ang Provincial Disability Affairs Office-Pangasinan sa publiko ng pantay at tamang pagtrato sa mga persons with disabilities o PWDs.
Ayon kay Jennifer Garcia, Provincial Head ng PDAO – Pangasinan, may mga miyembro kasi nito ang patuloy na nakararanas ng mga negatibong pahayag gaya na lamang ng; diskriminasyon, panggagaya sa kanilang kapansanan at iba pa.
Kung kaya’t kapag nakatatanggap sila ang report ukol ay agad din silang nakikipag-ugnayan sa mga respective Local Government Units na kinabibilangan ng mga ito upang mabigyan ng aksyon at agad silang matulungan.
Dahil dito, patuloy ang kanilang adbokasiya na maibahagi sa publiko ang Karapatan ng bawat isa at maging pantay-pantay ang pagtrato.
Isa na nga rito ang kanilang mga nakalatag na programa at serbisyo na makakatulong na magbibigay suporta sa mga ito.