Pansamantalang pinasara at pinagbayad ng kanilang hindi nabayarang renta ang nasa 18 stalls sa Binmaley Public Market.

Ayon kay Binmaley Mayor Pedro “Pete” Merrera III na noong nakaraang linggo ay pinasara nila ang mga ito dahil sa hindi pagtalima sa bayarin ng kanilang pwesto.

Aniya na bahagi ito ng kanyang pagsasaayos ng palengke para maging maganda ang sistema at kalakaran.

--Ads--

Saad nito na sa 4 na araw na pangongolekta sa mga matagal nang hindi nagbabayad ng renta ay umabot ang koleksyon ng nasa 1.7 milyon pesos.

Sa ngayon ay bumalik na ang ibang mga vendors sa kani-kanilang pwesto.

Paglilinaw naman ng alkalde na ang mga koleksyon na nakukuha dito ay ibinabalik sa tao sa pamamagitan ng ibat-ibang proyektong makakatulong sa kanila gaya ng solar lights, classroom para sa mga bata at pagpapaganda ng kanilang palengke.

Binigyang diin naman nito na maraming kailangang ayusin sa bayan isa na ang palengke para sa malinis, maliwanag at maaliwalas na bilihan ng publiko at mga proyektong dadaan sa tamang proseso na kailangan ng taong bayan dahil sa kanilang bayan bawal aniya ang korapsyon.