Tuloy tuloy ang monitoring ng Dagupan City Health Office sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Ma. Julita de Venecia, officer-in-charge ng City health office, sa ngayon ay hindi pa mataas kung ikukumpara sa nakaraang taon ang kanilang naitatala pagdating sa mga sakit na madalas makuha sa tag-ulan gaya na lamang ng leptospirosis, dengue, gastroenteritis at iba pa.

Wala pa naman aniyang malakas na bagyo o matagal na pagbaha ang nararanasan sa syudad.

--Ads--

Dagdag pa nito na suspected leptospirosis pa lamang din ang kanilang tinitignan sa ngayon at tuloy tuloy din ang pamimigay ng kanilang tanggapan sa mga barangay ng syudad ng libreng gamut para rito.

Mas mainam umanong umiwas sa paglusong sa baha Lalo na kung may mga sugat sa paa upang hindi ito mapasukan ng maruming tubig na nanggaling sa tubig baha.

Maliban pa rito nakatutok din sila sa mga lugar na nasa low lying areas na madalas makaranas ng pagbaha kung saan madali silang makapitan ng mga sakit.