Tiniyak ng Provincial Veterinary Office (PVO) na ang kanilang klinika ay laging bukas at handang magbigay ng de-kalidad na serbisyo para sa kalusugan at kapakanan ng mga alagang hayop sa buong lalawigan.

Ayon kay Dr. Arcely Robeniol, Provincial Veterinarian, regular na nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng pagbabakuna, konsultasyon, at iba pang serbisyong medikal upang mapanatiling malusog ang mga alagang hayop.

Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes bandang alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon at nagbibigay ng serbisyo sa mga aso, pusa, kambing, at iba pang hayop na nangangailangan ng deworming, anti-rabies vaccine, pagkakapon, at iba pa.

--Ads--

Mayroon silang kumpletong kagamitan at bakuna, na libreng ibinibigay sa publiko kung saan bawat araw ay nakakapagserbisyo sila ng mga hayop sa bilang na 40 hanggang 50.

Bukod sa direktang serbisyong pangkalusugan, aktibo rin ang nasabing opisina sa pagbibigay ng edukasyon sa publiko tungkol sa responsableng pag-aalaga ng hayop, pagkontrol ng rabies, at iba pang isyung may kinalaman sa kalusugan ng hayop.

Samantala, Hinihikayat naman ang publiko na maaring bumisita sa kanilang opisina kung may mga katanungan o iba pang pangangailangan tungkol sa hayop para sa agarang tugon upang mapanatili ang kaligtasan at pagiging malusog ng hayop at indibidwal sa buong probinsya.