Mga kabombo! Paalala lang na ito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Arestado kasi ang 20-anyos na bilanggo matapos ang matagumpay na pagtakas sa bilangguan?

Ayon sa ulat, nakatakas mula sa Lyon-Corbas Prison sa southeast France ang french prison matapos na magtago sa maleta ng kanyang kasamang preso na palalayain na.

--Ads--

Ito ang kinumpirma ng French prison service. Anila, nakalusot umano ito sa mga bantay at nakalabas ng kulungan kasama ang pinalayang preso.

Sa inilabas na pahayag ng prison administration, ang tumakas na preso ay may kinakaharap pang kasong may kaugnayan sa organized crime.

Hindi na ito pinangalanan. Sa ngayon patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Ayon kay Sébastien Cauwel, direktor ng prison administration, nagkaroon ng pagkukulang ang kanilang opisina.

Nitong mga nakaraang buwan, nagbabala na ang Lyon Bar Association tungkol sa matinding overcrowding sa nasabing kulungan.

Ayon sa datos nitong May 1, humigit-kumulang 1,200 na preso ang nakakulong sa Lyon-Corbas, gayong ang kapasidad lamang nito ay 678.