DAGUPAN CITY – Sumakabilang buhay na ang South Korean actress na si Kang Seo Ha matapos ang pakikipaglaban sa sakit na stomach cancer sa edad na 31.

Nagsimula ang showbiz career ni Kang Seo Ha noong 2012 nang mapasama siya sa music video na “Getting Farther Away” ng K-pop band na Brave Guys.

Matapos nito ay nagsunud-sunod na ang acting project ni Kang Seo Ha.

--Ads--

Kabilang dito ang mga K-drama na Schoolgirl Detectives (2014), Assembly (2015), First Love Again (2016), Through the Waves at Heart Surgeons (2018), at Nobody Knows (2020).

Bago ang kanyang pagpanaw ay nakagawa pa siya ng pelikula kasama ang Korean K-drama stars na sina Kim Seon Ho and Park Gyu Young, ang Mangnaein (In the Net).