Dagupan City- Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Basista ang kanilang patuloy na monitoring at kahandaan sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Mayor Jolly Resuello na pro-active naman ang kanilang bayan pagdating dito sa pakikipagtulungan na rin sa tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, upang maisguro na ligtas ang mga residente ng bayan anumang oras sa tuwing may bagyo o di kaya malakas ang ulan.

Gayundin ang bawat bdrrmo sa mga barangay na palaging aktibo bilang mga first liner sa mga sitwasyon at pangangailangan ng kanilang nasasakupan lalong Lalo na sa mga low lying areas.

--Ads--

Anya na bukod sa kanilang pagtutok sa mga sitwasyon sa tuwing may bagyo ay isa rin sa kanilang minomonitor ang mga sakit na posibleng makuha sa baha gaya na lamang ng leptospirosis, alipunga, dengue at iba pa, kaya naman upang matugunan at maiwasan ang mga ito ay aktibo ang kanilang information dissemination, pagbibigay abiso sa mga mamamayan ng basista upang sila ay maging handa upang maging ligtas sila.

Maliban pa rito ay tuloy tuloy naman ang paglalatag ng kanilang proyekto para sa kanilang nasasakupan