DAGUPAN CITY- Naging malaking bahagi ng Bombo Radyo Philippines upang magbigay ng impormasyon at balita noong naminsala ang 7.8 Magnitude Earthquake sa syudad ng Dagupan noong 1990.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo, konsehal sa nasabing syudad, ibinahagi niya ang naging karanasan nito kung saan nasa apartment pa siya sa Manila habang nagpapahinga nang mangyari ito.

Nang buksan niya ang radyo, partikular na sa estasyon ng Bombo Radyo Philippines, upang makibalita at laman na ng mga pahayagan ang pagbagsak ng mga gusali sa syudad ng Dagupan, Baguio, at sa isang lungsod sa Nueva Ecija.

--Ads--

Kinabukasan ay pinilit bumalik ni Tamayo sa Dagupan City kung saan ikinalungkot niyang tila dumaan sa giyera ang syudad.

Ang mga gusali ay nagsitumbahan, partikular na sa Perez Blvrd., at ang mga daanan ay halos hindi na madaanan dulot ng mga bitak mula sa malakas na pagyanig.

Ang tulay na kumokonekta sa Dagupan City patungong Tarlac ang tanging nakatayo subalit, ang iba pa ay hindi nakayanan ang pagyanig.

Agad naman pinadalhan ng mga sundalo mula Camp Abat ang syudad upang bantayan ang mga mamamantala, lalo na sa mga magnanakaw.

Naging mahirap ang pamumuhay noon kaya naman nagtulong-tulong ang mga opisyal, business leaders, at iba pa upang maibalik ang dating sigla ng syudad.

Naging ‘resilient’ naman umano ang mga Dagupeño upang muling tumayo mula sa pinsalang idinulot ng pagyanig.

Samantala, bilang chairman ng Disaster Risk Reduction ng Sanggunian Panlalawigan, pinaalala niya na mahalagang pakatandaan na ‘vulnerable’ ang probinsya ng Pangasinan mula sa malalakas na paglindol at sa malaking epekto nito.

Aniya, bawat barangay officials na ay may mga paghahanda na sa naturang sakuna, lalo na sa ‘The Big One.’

Saad pa niya na mahalaga din ng mga impormasyon na ipinapakalap ng media at ang mga kasamahan sa San Roque Multi-Purpose Dam.

Kasalukuyan na rin pinagtitibay ng Local Department of Public Works and Highways (DPWH) ang disertation ng mga kailugan na nakapalibot sa syudad.

Gayun na rin sa pagpapataas ng mga daanan upang mabawasan ang posibleng pinsala kung sakali man tamaan muli ng pagyanig at iba pang sakuna ang syudad ng Dagupan.