Walang foul play sa pagkamatay ng isang dalagang taga-Sto. Domingo, Ilocos Sur na hinihinalang nagbigti.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PLt. Roger Retreta ng Sto. Domingo Municipal Police Station, hindi raw sumama ang biktima sa kanyang adoptive parents nang sila ay nagtungo sa misa sa Sinait.

Sa kanilang pag-uwi, doon na nila natanggap ang balitang nagbigti ang dalaga.

--Ads--

Ayon kay Retreta, isang kapitbahay ang nakakita sa katawan ng biktima na nakabitin at wala nang buhay sa sanga ng mangga sa kanilang babuyan.

Nalaman na kahit inimbitahan ng mag-asawa ang dalaga na sumama sa misa, tumanggi ito. Hindi rin umano ito nagpakita ng anumang senyales ng problema kaya ikinagulat nila ang pangyayari.

Ang biktima ay sinasabing tubong Apayao na inampon ng mag-asawa noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang.

Ayon sa impormasyon, tila wala nang koneksyon ang dalaga sa kanyang tunay na pamilya kaya dinala siya rito sa Ilocos Sur.

Tinanong ang kanyang adoptive parents kung ano ang maaaring dahilan ng insidente, ngunit wala rin silang masabi sapagkat tatlo lamang silang magkasama sa bahay at hindi nila namalayan na may pinagdadaanan ang biktima. // VIA VIGAN