DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Isa ka bang space enthusiast?
Naku! Kaya mo bang gumastos ng malaki para sa isang space object?
Isang pambihirang piraso kasi ng Mars ang inaasahang maibebenta sa halagang $2 milyon hanggang $4 milyon (humigit-kumulang ₱117 milyon hanggang ₱234 milyon) sa isang auction sa New York.
Ang nasabing 54-pound (25-kilogram) na bato, na kilala bilang NWA 16788, ang pinakamalaking bahagi ng Mars na kailanman ay natagpuan sa Earth.
Ayon sa mga eksperto, pinaniniwalaang natipak ang batong ito mula sa ibabaw ng Mars matapos ang isang napakalakas na asteroid strike, at bumagsak sa Sahara Desert.
May kulay na pula, kayumanggi, at abo.
Samantala, ang pirasong ito ay 70% na mas malaki kaysa sa susunod na pinakamalaking Martian meteorite at bumubuo ng halos 7% ng lahat ng Martian material na nasa Earth sa kasalukuyan.