Dagupan City – Nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle ang 30 Lokal na pamahalaan sa Rehiyon Uno kabilang ang ilang munisipyo sa Pangasinan.
Pinangunahan kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang paghahandog ng mga sasakyan sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Kasama sa mga nabigyan ng sasakyan sa lalawigan ay ang mga bayan ng Lingayen, Urbiztondo, Asingan, Alcala, Bayambang, San Nicolas at iba pa.
May kabuuan 387 ang ipinagkaloob sa ilang lokal na pamahalaan sa Luzon.
Nagkakahalaga ang nasabing sasakyan na ipinamahagi ng gobyerno ng dalawang milyon at tatlong daang piso (P2,300,000).
Kompleto na ang sasakyan ng nasabing kagamitan sa loob gaya ng strecher, oxygen tank, Blood pressure monitor, at iba pang gamit na makakatulong sa mga pasyente upang masiguro ang ligtas na paglipat sa mga ospital.
Layunin ng gobyerno na maihatid ang maayos na kagamitan para sa mga serbisyo na makakatulong sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino dahil malaking tulong ito para sa mga nagkukulang ng sasakyang pang emerhensiya sa buong bansa.