Dagupan City – Dagupan City — Mariing kinuwestyon ni Engr. Ernesto Acain, dating alkalde ng Labrador, Pangasinan, ang aniya’y “panlilinlang” ng kasalukuyang administrasyon kaugnay sa pagbubukas ng ospital sa kanilang bayan.
Ayon kay Acain, maling impresyon ang ipinapakalat sa publiko na may ganap nang ospital ang Labrador, gayong hindi ito dumaan sa wastong proseso at akreditasyon mula sa Department of Health.
Giit pa nito, hindi dapat ipagmalaki ang pasilidad kung ito ay hindi man lamang ng isang Rural Health Unit na limitado ang serbisyong maaaring ibigay kumpara sa isang ospital.
Ibinunyag din ng dating alkalde na may koleksyon mang umaabot sa ₱3 milyon mula sa PhilHealth reimbursements, hindi ito sapat upang tustusan ang kabuuang gastusin ng operasyon ng isang ospital, na tinatayang aabot sa ₱7 hanggamg 8 milyon kada taon.
Dagdag pa ng dating alkalde, na kahit ang ilan sa pinakamayayamang siyudad at bayan sa Pangasinan ay wala pa ring sariling ospital na pinatatakbo ng LGU dahil sa laki ng gastusin at kailangan dokyumento.
Matatandaan na nitong Hulyo 1, 2025 ay binuksan muli ang Labrador Municipal Hospital sa atas na rin ng bagong administrasyon ni Mayor Noel Uson para sa pangangailangang medikal ng kanilang mamamayan matapos ipasara ng sinundang administrasyon.