Nahuli sa video ang lola na nginungudngod sa baha ang sarili nitong apo sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ang bata ay 12-anyos at pilit na nagpupumiglas, umiiyak at nagmamakaawa sa kaniyang lola habang inilulubog ang ulo nito sa tubig baha.
Hanggang sa bitawan nito ang kaniyang apo na agad namang tumakbo palayo sa pinangyarihan.
Depensa naman ng lola sa Lapu-Lapu City Social Welfare and Development Office, dinidisiplina lang niya ang kaniyang apo na naligo umano sa baha kahit pinagbawalan niya.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, lumitaw na nangyari ang insidente noong Marso pero ngayong Martes lang na-post sa social media.
Gayunman, pinagsisisihan daw ng lola ang kaniyang ginawa sa apo.
Ngunit isasailalim pa rin ang mga ito sa counselling at monitoring.
Mensahe naman ni Lapu-Lapu City Mayor Cindi King-Chan “”Dili nato pasagdan ang ing-ani nga mga isyu, labi na kung kabataan na ang nalambigit. The safety and welfare of our children is always our top priority. Gusto nako ipasabot sa tanan nga ang atong lokal nga kagamhanan is already taking steps to assess the well-being of the child and provide all necessary psychosocial and medical support.””