Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang dagat malapit sa baybayin ng San Antonio, Zambales kaninang umaga.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ito bandang alas-9:32 ng umaga.
Kung saan tumama ang epicenter nito sa karagatang sakop ng San Antonio.
--Ads--
Lumalabas na dahil umano ito sa paggalaw ng tectonic plates.
May intermediate depth umano ito kaya inaasahang masusundan pa ng mahihinang lindol at aftershocks.
Ngunit nilinaaw ng Phivolcs na hindi ito inaasahang magdudulot ng malaking epekto.
Sa kasalukuyan, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon.