Mga kabombo! ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng panalo?
Kaya mo bang gumamit ng mga ‘charm’ para makamit ang inaasam mong tagumpay?
Ito kasi ang ginawa ng isang football team sa China.
Ayon sa ulat, pinatawan ng 30,000 Yuan o katumbas ng P250,000 na multa ang isang football team sa China matapos matuklasang naglagay sila ng pampamalas na anting-anting sa locker room ng kalaban na team!
Lumalabas umano na natuklasan na nagpaskil ang team ng anting-anting na gawa sa dilaw na papel, sa locker room ng kalaban nilang team na Shanxi Chongde Ronghai.
Ang “Fu” na natagpuan sa locker room ay may nakasulat na sumpang: “By decree, Shanxi Chongde Ronghai must be defeated”.
Sa tradisyong Taoismo, ang “Fu” ay ginagamit upang magdala ng suwerte, ngunit maaari ring gamitin para magbigay ng sumpa o kamalasan sa kalaban.
Matapos suriin ang mga larawan at ebidensiya na kumalat sa social media, nagpahayag ang CFL na nilabag ng Changchun Xidu FC ang kanilang Disciplinary and Ethics Code nang mapatunayan na gumamit sila ng “feudal superstition items”.
Dahil dito pinagmulta ang team ng 30,000 Yuan.
At dahil dito tila tumalab ang “charm” dahil nanalo sila sa iskor na 2-0, na nagpatatag sa kanilang ikalawang puwesto sa China League Two.
Gayunman, natabunan ang kanilang tagumpay nang lumabas na hindi ito ang unang pagkakataon na nagpaskil sila ng “Fu” sa locker room ng mga kalabang team.
Ipinag-utos ng sports team na ipagpatuloy ang mahigpit na pagsisiyasat sa mga ganitong insidente at pinaalalahanan ang lahat ng team na umiwas sa anumang pamahiing maaaring magdulot ng parusa.