DAGUPAN CITY- Nakararamdam pa rin ng matinding init ng panahon ang ilang bansa sa Europe kasama na ang France dahil sa pagbabago ng klima.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leo Brisenio, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, ilang bansa sa European Union ang kasalukuyang apektado ng matinding init ng panahon.
Aniya, bagama’t karaniwan na sa mga tropical countries ang mataas na temperatura, itinuturing na labis na mapanganib ang kasalukuyang init ng panahon sa Europa.
Aniya, malaking salik dito ang pagiging malamig ng klima sa rehiyon sa halos buong taon, dahilan kung bakit hindi sanay ang mga mamamayan sa ganitong kondisyon.
Tuloy-tuloy naman ang pagtugon at pagbibigay-tulong ng gobyerno ng France sa mga naapektuhan ng panahon.
Ayon pa sa ulat, inaasahan na maaaring tumagal ang nararanasang matinding init sa Europa hanggang buwan ng Agosto.
Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa sitwasyon habang pinapayuhan ang publiko na maging alerto at sumunod sa mga abiso para sa kanilang kaligtasan.